Wikipedia

Mga resulta ng paghahanap

Nobyembre 28, 2016

Adobong Manok

Image result for adobong manok

Adobong Manok
Di lamang baboy ang pwedeng i-adobo, lagi ring ginagamit ang manok sa pag aadobo. Kung ikukumpara ang Adobong Manok kesa sa kinasanayan nating Adobong Baboy, ito ay higit na masustansiya dahil sa taglay nitong puting karne ng manok na may kakaonti lamang na taba. Kung ikukumpara naman ang lasa, pantay lamang ang dalawa. Ngunit mas uulit ulitin ko ito kumpara sa Adobong Baboy, bukod sa mura ay masustansiya pa ito, mas maiikli rin ang oras ng pagluluto nito.

Mga Sangkap 

  • ½ kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
  • 1/3 tasang suka
  • 2 kutsarang dinikdik na bawang
  • 1 dahon ng laurel
  • 2-3 kutsarang toyo
  • ½ kutsaritang pamintang buo
  • tubig
  • 1 kutsarang mantika
Pagluluto 

Sa kaserola, paghaluin ang manok, suka, 1 kutsara ng bawang, laurel, toyo at pamintang buo.Pakuluan at pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuing walang takip ng 10 minuto. Kung medyo tuyo ay maaaring magdagdag ng kaunting tubig. Takpan at lutuin hanggang lumambot.Sa kawali, papulahin ang nalalabing bawang sa pinainit na mantika.Idagdag ang inaadobong manok . Tustahin ng kaunti at saka ibuhos ang sabaw ng adobo.Kung nais, maari ring papulahin muna ang manok sa mantika bago idagdag ang suka, bawang, laurel, toyo, paminta at tubig.

Nobyembre 27, 2016

Adobong Hipon














Adobong Hipon 

Ang hipon ay isang lamang tubig na makikita sa ilog o sa dagat. Ito ay kababayan ng ulang (lobster). Kadalasan itong ginagamit sa mga putahe sa Asya, at laganap ito sa buong mundo. Di lamang ito masarap, isa rin itong unibersal na rekado na maari mong lutuin sa kahit na anong putahe, tulad na lamang ng Adobo.

Mga Sangkap

½ kilong hipon
- 2 kutsarang bawang (tadtad o durog)
- 1 pirasong siling haba
- 3 kutsarang ketchup
½ tasa toyo - 1 kutsarang paminta - 1 tasang tubig
- 1 pirasong sibuyas (tadtad o durog)
- 1 kutsarang mantika

Pagluluto

Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika, sunod na ilagay ang Hipon. Igisa sa loob ng 2 minuto at saka lagyan ng tubig, toyo, at ketchup. Ilagay ang hiniwang siling haba, dagdagan narin ng paminta. At namnamin ang sarap ng Adobong Hipon. 

Adobong Baboy



Adobong Baboy

Di mawawala sa bukabularyo ng mga Pinoy ang salitang Adobo. Masasabing hindi ka Pilipino kung ni isang beses ay di ka pa nakakatikim ng Adobo. Ang Adobong Baboy ang isa sa pinaka popular na pagkain sa Pilipinas. Maaring i-ulam o papakin. Yum!

Mga Sangkap
- 1 kilong laman ng baboy
- 2 kutsarang bawang (tadtad o durog)
- 5 pirasong dahon ng Laurel
- 4 kutsarang suka
½ tasa toyo - 1 kutsarang paminta - 1 tasang tubig

Pagluluto
Pagsamahin ang baboy, toyo at bawang pagkatapos ay i-marinade ito ng isang oras. Magpainit ng kawali at ilagay ang nai-marinade nang baboy sa kawali, lutuin ito ng ilang minuto bago ilagay ang tubig, paminta at dahon ng laurel. Pakuluin ito sa loob ng 30-40 minuto, matapos itong pakuluin ay lagyan ito ng suka para mabalanse ang lasa ng Adobo. Pakuluin sa loob ng 15 minuto.

Adobo: Ang Tinaguriang Pambansang Ulam ng Pilipinas

Ang Adobo ay karne na niluto sa toyo, suka, at bawang. Ito ay itinuturing ng marami bilang pambansang ulam ng Pilipinas dahil mga katangian nito tulad na lamang ng sarap, madaling paraan ng pagluto, at matagal na oras ng pagiimbak (storage time). Ang ating kinaugalian Adobo ay hindi lamang limitado sa baboy at manok, maari din itong iluto sa pamamagitan ng pag-gamit ng iba pang uri ng karne tulad ng, lamang-dagat, karne ng kambing, karne ng usa, at karne ng baka. Maari ding gumamit ng gulay tulad na lamang ng kangkong, sitaw, patatas, kamote at maraming pang iba.