Adobong Manok
Di lamang baboy ang pwedeng i-adobo, lagi ring ginagamit ang manok sa pag aadobo. Kung ikukumpara ang Adobong Manok kesa sa kinasanayan nating Adobong Baboy, ito ay higit na masustansiya dahil sa taglay nitong puting karne ng manok na may kakaonti lamang na taba. Kung ikukumpara naman ang lasa, pantay lamang ang dalawa. Ngunit mas uulit ulitin ko ito kumpara sa Adobong Baboy, bukod sa mura ay masustansiya pa ito, mas maiikli rin ang oras ng pagluluto nito.
Mga Sangkap
- ½ kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
- 1/3 tasang suka
- 2 kutsarang dinikdik na bawang
- 1 dahon ng laurel
- 2-3 kutsarang toyo
- ½ kutsaritang pamintang buo
- tubig
- 1 kutsarang mantika
Pagluluto
Sa kaserola, paghaluin ang manok, suka, 1 kutsara ng bawang, laurel, toyo at pamintang buo.Pakuluan at pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuing walang takip ng 10 minuto. Kung medyo tuyo ay maaaring magdagdag ng kaunting tubig. Takpan at lutuin hanggang lumambot.Sa kawali, papulahin ang nalalabing bawang sa pinainit na mantika.Idagdag ang inaadobong manok . Tustahin ng kaunti at saka ibuhos ang sabaw ng adobo.Kung nais, maari ring papulahin muna ang manok sa mantika bago idagdag ang suka, bawang, laurel, toyo, paminta at tubig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento